POLO-OWWA, pumasok na rin sa pagsasaayos sa kontrata ng Pinoy workers sa Sabah Palm Oil Plantation

61

Nakipagpulong na rin ang Philippine Overseas Labor and Office – Overseas Workers Welfare Administration (POLO-OWWA) sa employer ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa Palm Oil Plantations sa Tawau, Sabah, Malaysia.

Partikular ang pag-verify sa employment contracts ng mga Pinoy workers doon.

Umalalay na rin ang Philippine Embassy sa Kuala Lumpur sa pagproseso ng passport ng undocumented na mga Pinoy sa nasabing plantasyon.


Maging ang kanilang mga anak na nag-aaral doon ay nilapitan na rin ng embahada para mabigyan din ng passport at birth certificates.

Facebook Comments