Kaso ng COVID-19 sa bansa, mahigit 504,000 na

46

Umaabot na sa 504,084 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 1,357 na bagong kaso.


27,857 o 5.5% naman ang aktibong kaso.

324 naman ang bagong gumaling kaya ang total recoveries na ay 466,249 o 92.5%.

69 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths ay umaabot na sa 9,978 o 1.98%.

Nangunguna muli ang Davao City sa may pinakamaraming bagong kaso sumunod ang Rizal, Quezon City, Pampanga at Benguet.




Facebook Comments