Sen. Pangilinan, hinikayat ang Senado na tutulan ang pag-terminate sa UP-DND agreement

394

Inihain ngayon ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang Senate Resolution Number 616 na humihikayat sa Senado na tutulan ang pag-terminate ng Department of National Defense (DND) sa 1989 UP-DND agreement.

Ang hakbang ni Pangilinan ay bilang pakikiisa sa pagpalag ng mga estudyante at mga alumni ng University of the Philippines (UP) sa naturang aksyon ng DND.


Dahil kasi sa ginawa ng DND ay malaya nang makakapasok anumang oras ang mga otoridad sa UP campus.

Hinikayat ng resolusyon ni Pangilinan na magsagawa ng dayalogo ang dalawang kampo upang humanap ng paraan sa pagsusulong ng kapayapaan, seguridad habang pinoproteksyunan ang academic freedom.

Diin ni Pangilinan, dayalogo at hindi panggigipit ang dapat ilapat sa mga kabataan na lalong nanggigigil kapag lalong pinipigil.

Binanggit pa ni Pangilinan na base sa kasaysayan ng anumang lipunan, ang mga kabataan o mga estudyante ay hindi maaaring diktahan na huwag maging anti-government at huwag bumatikos.




Facebook Comments