Kaso ng COVID-19 sa bansa pagsapit ng March 15, hindi na aabot sa 100

Posibleng bumaba pa sa 83 ang mga bagong kaso ng COVID-19 ang maitatala sa bansa pagsapit ng March 15.

Sa Presscon sa Malakanyang sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire, na posible itong mangyari kung mapapanatili ng publiko ang kasalukuyang compliance nito sa minimum public health standards.

Ang projection ay base narin sa pinakahuling pagtala ng FASSSTER.


Ani Vergeire, kung magiging pabaya ang publiko at mababawasan ng 12% ang pagsunod sa public health protocols, posibleng umakyat sa 2,077 cases ang mga bagong kaso na maitatala sa bansa pagsapit ng March 15.

Pero kung magpapakampante na at mababawasan pa ng 19% ang pagsunod sa mga health protocols, posibleng pumalo pa sa 7, 748 cases per day ang maitatala sa bansa.

Paliwanag ni Vergeire, nakabase ang projection sa Omicron variant at iba pang factors, tulad ng mobility ng populasyon, vaccination coverage at pagsunod sa minimum health standards.

Kung kaya’t upang tuluyan nating mapagtagumpayan ang laban kontra COVID-19 napaka-halagang sumuno1d sa protocols at maitaas ang vaccination coverage sa bansa.

Facebook Comments