Mga unvaccinated, dahilan para hindi pa tuluyang maibaba sa Alert Level 1 ang NCR

132

Aminado ang OCTA Research group na nanatiling concern pa rin ng pamahalaan ang mga hindi bakunado.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA na pwede kasing magkaroon muli ng pagtaas ng kaso at ang matatamaan nito ay ang mga unvaccinated individual lalo na sa mga lugar na mababa pa ang vaccination coverage.

Kapag nangyari aniya ito dadami na naman ang maoospital na isa sa mga indicator sa pagsasailalim sa isang lugar sa anumang Alert Level System.


Kaya panawagan nito sa mga unvaccinated na magpabakuna na dahil kapag mataas ang vaccine coverage ng isang lugar mataas din ang tyansang maisailalim ito sa Alert Level 1 na daan naman patungong new normal.

Facebook Comments