Kaso ng COVID-19 sa bansa, umabot na sa mahigit 30,000

Sumampa na sa kabuuang 30,052 ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), nasa 653 ang naidagdag na panibagong kaso kung saan 415 ang fresh cases habang 238 naman ang late cases.

Nasa kabuuang 1,169 naman ang mga namatay sa nasabing sakit matapos madagdagan ng 19.


Naitala naman ang 243 new recoveries na may kabuuan ng 7,893.

Tumaas din ang recoveries kung saan nasa kabuuang 7,893 na ito sa kasalukuyan matapos madagdagan ng 243.

Samantala, pumalo na sa 6,141 ang mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19.

Nasa 2,862 naman ang gumaling na habang 496 ang mga nasawi sa virus.

Facebook Comments