Napansin ng Department of Health (DOH) na bumababa na ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa pulong kasama si Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na bumabagal na ang bilis ng pagtaas ng mga kaso.
Ang national two-week growth rate ay bumaba sa -15 percent mula sa 11 percent nitong nakaraang tatlo hanggang apat na linggo.
Sinabi rin ni Duque na bumaba rin ang average na daily attack rate na nasa 7.8 cases per 100,000 population kumpara noon Abril na nasa 9.2 ang average cases.
Sa ngayong nasa high-risk pa rin ang bansa, pero kapag mababa sa 7 ang attack rate ay magiging moderate risk ang classification ng bansa.
Inulat din ni Duque na bumuti ang healthcare utilization sa buong bansa.
Facebook Comments