Kaso ng COVID-19 sa buong mundo, umabot na sa mahigit 5.9 Million

76

Sumampa na sa mahigit 5.9 milyon ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa datos ng John Hopkins University of Medicine, nangunguna pa rin ang Estados Unidos na may 1,745,930 kaso na sinundan ng Brazil na may 465,166 COVID-19 cases.


Kaugnay nito, nasa kabuuang 364,849 naman ang naitalang patay sa nasabing sakit kung saan nangunguna pa rin ang Amerika na may 102,808 deaths na sinundan ng United Kingdom na may 38,243.

Sa kabilang banda, nakapagtala naman ang unibersidad ng kabuuang 2,493,434 milyon na mga nakarekober mula sa nasabing sakit.

Facebook Comments