Kaso ng COVID-19 sa Cauayan City, Nadagdagan

Cauayan City, Isabela- Nadagdagan pa ng dalawampu’t apat (24) na panibagong positibong kaso ng COVID-19 ang Lungsod ng Cauayan.

Batay sa pinakahuling datos mula sa City Health Office ngayong araw ng Miyerkules, September 15, 2021, bahagyang tumaas sa 227 ang bilang ng aktibong kaso sa Lungsod matapos madagdagan ng mga panibagong impeksyon ng COVID-19.

Bukod dito, nakapagtala rin ang Lungsod ng dalawa (2) pang namatay sa sakit na COVID-19 habang walang naitala na bagong gumaling.


Mula sa 65 na barangay na sakop ng Cauayan City, nangunguna ang San Fermin sa may pinakamaraming aktibong kaso na aabot sa 45; pangalawa ang District 1 na may 38 at pangatlo ang barangay Minante 1 na may 24.

Kaugnay nito, patuloy pa rin hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang publiko na sumunod sa mga panuntunan habang ang lungsod ay nananatiling nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) na magtatagal hanggang September 30, 2021.

Facebook Comments