Umabot na sa 31 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pambansang Pulisya mula sa 27 nitong Martes.
Ito’y matapos na makapagtala ang Philippine National Police (PNP) Health Service ng isang recovery at anim na bagong kaso ngayong araw.
Lima sa mga bagong kaso ang unang beses na tinamaan ng COVID-19, habang isa ay re-infection.
Sa kabuuan, umabot na sa 48,906 ang mga tauhan ng PNP na tinamaan ng COVID-19, kung saan 48,746 ang nakarekober at 129 ang nasawi.
Samantala, nasa 99.67 porsyento ng pwersa ng PNP ang fully vaccinated, kung saan 98.74 na porsyento rito ang nabigyan na rin ng booster shot.
Facebook Comments