Nadagdagan pa ng ang mga lugar sa bansa na nakitaan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nasa 638 clustering na ng COVID-19 cases ang mino-monitor ng Epidemiology Bureau sa buong bansa.
Aniya, 513 dito ay natagpuan sa mga komunidad at 49 ang nasa ospital.
Paliwanag ni Vergeire, nananatili sa 24 ang clustering na mino-monitor ng DOH sa mga kulungan.
Una nang sinabi ni Vergeire na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay dahil sa clustering ng mga kaso at community transmission at hindi dahil sa mas pinalakas na COVID-19 testing.
Facebook Comments