Trading card ni Lebron James, naibenta ng halos 2 million US dollar

Naibenta na ang trading card ni National Basketball Association (NBA) superstar Lebron James sa halagang $1.8 million o halos P89 million.

Ayon sa Golden Auctions, binura ng modern trading card ni Lebron ang naitalang record ni Los Angeles Angels star Mike Trout na umabot lang sa halagang $923,000 o mahigit P45.53 million noong mayo.

Batay sa ulat, lumikha ng 23 kopya ang upper deck ng nasabing card na pinirmahan ni Lebron noong rookie season nito sa Cleveland Cavaliers.


Si Lebron, na naging 16-time all-star at four-time most valuable player, ay hinahabol ang kaniyang ika-apat na NBA title at unang kampeonato bilang miyembro ng LA Lakers.

Nasa ikatlong puwesto ngayon ang 35-year-old veteran sa kasaysayan ng liga na may 34,087 points.

Facebook Comments