Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Patuloy na Nababawasan

Patuloy na nababawasan ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela.

Batay sa datos ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw ng Miyerkules, Disyembre 15, 2021 nakapagtala na lamang ang probinsya ng dalawang (2) bagong tinamaan ng COVID-19.

Mayroon namang 15 na naitalang bagong gumaling at walang naiulat na nasawi.


Dahil sa pagbaba ng mga naitatalang panibagong kaso, bumaba rin ang bilang ng aktibong kaso sa probinsya na ngayo’y nasa 130 na lamang.

Tumaas naman sa 58,818 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober habang nananatili pa rin sa 2,061 ang total COVID-19 related deaths sa probinsya.

Sa kasalukuyan, nasa 60,709 na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Isabela.

Facebook Comments