Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Patuloy na Nadadagdagan

Cauayan City, Isabela- Nadagdagan pa ng walong (8) panibagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa probinsya ng Isabela.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, mula sa walong bagong kaso, apat (4) ang naitala sa Santiago City; dalawa (2) sa Cauayan City; at tig-isa (1) sa bayan ng Angadanan at San Mariano.

Gayunman, gumaling naman sa nasabing sakit ang 57 na COVID-19 patients sa probinsya.


Sa kasalukuyan, mayroon na lamang 199 na natitirang aktibong kaso ng COVID-19 ang Isabela.

Mula sa bilang na 199, tatlo (3) ay mga Returning Overseas Filipino (ROFs); pito (7) na Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs); labing pito (17) na Health Worker; limang (5) pulis; at 167 na Local Transmission.

Samantala, mananatili pa rin sa General Community Quarantine (GCQ) ang probinsya ng Isabela simula Enero 1 hanggang 31, 2021.

Facebook Comments