Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Patuloy na Nadadagdagan

Cauayan City, Isabela- Tila hindi pa rin bumababa ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya ng Isabela dahil sa mga bagong kasong naitatala.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2, nasa 466 ang kasalukuyang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya matapos madagdagan ng labing siyam (19) na bagong kaso.

Dahil dito, umakyat sa 5,333 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa probinsya.


Bukod dito, mayroon namang labing pito (17) na bagong gumaling sa nasabing nasakit kaya’t tumaas sa 4,764 ang bilang ng nakarekober sa virus.

Tumaas rin sa 104 ang bilang ng nasawi na may COVID-19 sa probinsya.

Ang mga bagong kaso ay naitala sa Lungsod ng Santiago (7); Cabagan (2); Naguilian (2); Roxas (2); San Isidro (2); Benito Soliven (1); Cauayan City (1); Gamu (1) at City of Ilagan (1).

Facebook Comments