Kaso ng COVID-19 sa Kamara, 44 na; Panawagan ng mass testing sa mga empleyado, hiniling

Umakyat na sa 44 ang kaso ng mga nagka-COVID-19 sa Kamara de Representantes.

Ang pinakahuling kaso ay isang babaeng empleyado ng Plenary Support Service.

Ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, nagkaroon ito ng close-contact sa isa ring empleyado ng Committee on Rules na unang nagpositibo sa Coronavirus Disease.


Pumasok pa ito sa Kamara noong August 3 hanggang 5, 2020.

Samantala, naniniwala naman ang ilang mga kawani sa Batasan na isang kaso na ng “work transmission” ang hawaan sa COVID-19 sa Mababang Kapulungan.

Dahil dito, umaapela na ang mga empleyado ng Kamara na ikunsidera na ang pagsasagawa ng mass testing dahil kawawa na rin ang mga empleyadong pumapasok.

Samantala, naitala naman bilang ika-apat sa mga taga-Kamara na nasawi sa COVID-19 at pang-43 na kaso si Senior Citizen Partylist Rep. Francisco Datol Jr.

Facebook Comments