Brgy. Captain at Brgy. Kagawad, arestado sa Isabela dahil sa pagtatago ng mga loose firearms

Huli ang isang Barangay Captain at Barangay Kagawad matapos makuhaan ng mga loose firearms sa Brgy. Trinidad, Mallig, Isabela.

Kinilala ang Brgy. Captain na si Jolly Ladiero, 58-anyos at Brgy. Kagawad Gabriel Sambrano, 28-anyos.

Sa ulat ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), nahuli nila ang dalawa sa bisa ng search warrant kung saan nakuha ang isang shotgun na may limang rounds ng ammunition, isang caliber .45 pistol, isang sumpak, isang improvised caliber .45 pistol, isang caliber .22 rifle, isang steel magazine para sa .45 pistol at 17 iba’t ibang klase ng bala.


Sa imbestigasyon, natukoy nilang sina Ladiero at Sambrano ay umano’y miyembro ng “Gromeo Criminal Group” na sangkot sa Gunrunning at Gun for Hire activities na nag-ooperate sa lalawigan ng Isabela.

Sa ngayon ay nahaharap na ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments