Umakyat na sa 69 ang kaso ng COVID-19 cases sa Kamara.
Dalawa sa nadagdag na kaso ang isa pang kongresista na si Sorsogon Representative Ditas Ramos.
Ayon kay House Secretary General Atty. Jose Luis Montales, nakitaan ng sintomas ang congresswoman at naisailalim ito sa COVID test sa kanilang probinsya.
Samantala, ang ika-69 na kaso ng COVID-19 sa Kamara ay isang congressional staff na huling pumasok sa trabaho nitong September 2.
Nakaranas agad ito ng lagnat at sakit ng katawan matapos ang ginawang trabaho sa labas ng Batasan ng sumunod na araw.
Sa ngayon ay mayroong 18 active cases ng Coronavirus Disease sa Kamara.
Kasalukuyan ngayon ang isinasagawang contact tracing sa Mababang Kapulungan.
Facebook Comments