Unti-unting tumataas ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Sa inilabas na datos ng Manila Local Government Unit (LGU), nakapagtala sila ng 83 bagong kaso kung kaya’t ang kabuuang bilang nito ay nasa 1,162 na.
Isa naman ang naitala sa mga nasawi sa virus kaya’t ang total ng bilang nito ay 1,228 kung saan 70 naman ang new recoveries ang kabuuang bilang nito ay pumalo na sa 64,500.
Aabot na rin sa 66,890 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Maynila.
Nangunguna ang Sampaloc district sa mga lugar sa lungsod na may mataas na bilang ng residente na tinamaan ng COVID-19 na nasa 250, sinundan ng Tondo district- 1 na nasa 231 at Malate na may 111 na kaso.
Facebook Comments