Kaso ng Covid -19 sa Maguindanao nasa 53 na, Police Lieutenant Colonel at Senior Master Sargeant pinakahuling nagpositibo

31

Dalawang Police na nakabase sa PRO BARMM Headquarters sa Parang Maguindanao ang pinakahuling nagpositibo sa Corona Virus Disease.


Sa impormasyon mula kay IPHO Maguindanao Health Officer Dra. Elizabeth Samama, nasa maayos namang sitwasyon ang dalawa at nasa Isolation Center na rin ang mga ito.

Sinasabing maaring nakuha ng dalawang Pulis ang karamdaman matapos magpasukat ng uniporme sa isang sastre o mananahi na galing sa Iligan City noong nakaraang mga araw na huli nmanag madiskubre na may Covid-19.

Bukod sa dalawang pulis, nagnegatibo naman ang nasa 40 mga pulis na direktang nakasalimuha ng naturang mananahi matapos sumailalim sa Swab Test.

Samantala, inaantay na lamang ang resulta ng test sa isang Marine General at Marine Major na nagpositibo sa Covid 19 noong July 27. Kapwa nakabase ang mga ito sa Brgy. Tugaig Barira, Maguindanao.

Sa pangkalahatan, nasa 53 na ang kaso ng Covid 19 sa Maguindanao.(D.A)

PNP BARMM PIC




Facebook Comments