PANOORIN: Lalaking nag-parachute sa gitna ng siyudad, sumalpok sa building

287
Screengrab from IG video/@imfromcle

OHIO, United States — Halos 40 minutong nakabitin sa ere ang isang 35-anyos na lalaking nag-parachute sa Cleveland, matapos bumangga sa building noong Linggo.

Sinabi sa pulisya ng ‘di tinukoy na lalaki na tumalon siya kasabay ang apat na kaibigan mula sa isang eroplano, na iniimbestigahan pa ng awtoridad kung saan nanggaling.


Ligtas umanong nakababa ang apat, habang ang parachute ng lalaki ay naiba ng direksyon at sumabit sa tuktok ng parking garage ng Reserve Square apartment building.

Isang saksi ang nakakuha ng pagsalpok ng lalaki sa nasabing building, at inilabas ang video sa Instagram noong Lunes.

Nanatili umano sa ere ang lalaki hanggang dumating ang mga rumespondeng bumbero, ayon sa ulat ng Cleveland.com.




Nagtamo naman siya ng bali sa alak-alakan at nagpapagaling na sa ospital.

Habang ang kanyang mga kasamahang nag-parachute ay ligtas na nakababa sa isang parke sa kabilang kalsada.

Facebook Comments