Kaso ng COVID-19 sa Makati City, pumalo na sa 31

Nadagdagan ng labing isa na positibo sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 ang Lungsod ng Makati.

Batay sa tala ng City Health Office ng nasabing Lungsod, noong Lunes, March 23, mayroong 20 na COVID positive ang nasabing Lungsod, pero kahapon ay nadagdagan ito ng 11, kung saan umabot na ito ng 31.

Nadagdagan din ang Persons Under Investigation (PUI) mula sa 217 noong Lunes, kahapon ay umabot na ito ng 266.


Nabawasan naman ng isang Persons Under Monitoring (PUMs)  na mula 165 to 164.

Nanatili pa ring dalawang pasyente ng nasabing virus ang nasawi at tatlo naman ang naka-rekober na.

Kaya naman, pakiusap ni Makati City Mayor Abby Binay sa kanyang mga residente na mahigpit na sundin ang ipinatutupad na home quarantine.

Huwag mag-atubiling ireport sa kanila sa pamamagitan ng pagtawag sa 168 at 02-8236-5790 o gamitin ang Makatizen App kung may nararamdamang mga sintomas kaugnay sa COVID-19, gaya ng ubo, sipon, at nahihirapang huminga.

Facebook Comments