Kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong, nadagdagan na naman

Pumalo na sa 430 ang bilang ng kaso ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyongz

Mula sa nasabing bilang 36 nito ay mga nasawi at 98 ang bilang ng mga nakarekober na.

Sa nakalipas lamang na 24-oras, pito ang naidagdag sa kanilang listahan ng mga pasyente na infected ng nasabing virus.


Ayon sa City Health Office ng lungsod, ang pitong bagong kaso ng COVID-19 ay mula sa Barangay Addition Hills, Mabini J. Rizal, Mauway, Old Zaniga at Pag-asa, kung saan meron itong tig-isang kaso at dalawa naman sa Barangay Plainview.

Nasa 697 ang bilang ng mga suspected cases at 2 naman ang bilang ng probable case sa lungsod.

Facebook Comments