Kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, bahagyang tumaas – OCTA

Naobserbahan ng OCTA Research Group ang bahagyang pagtaas sa average COVID-19 cases sa Metro Manila sa nakalipas na mga araw.

Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, tumaas sa 423 ang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) nitong November 5 hanggang 11 mula sa 364 na naitalang kaso noong November 3 hanggang 9.

Bumaba naman ang weekly growth rate sa Metro Manila sa negative 14 percent habang ang reproduction number o bilis ng hawaan ay tumaas sa 0.44.


Naniniwala si David na posibleng ang bahagyang pagtaas ng kaso ay dahil sa pagdagsa ng mga tao sa mga sementeryo nitong ‘Undas’ at mga backlog sa data.

Sa kabila nito, umaasa ang OCTA na patuloy pang bababa ang kaso ng COVID sa NCR.

Facebook Comments