Inaasahang bababa sa pagitan ng 1,700 hanggang 1,800 ang average COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR) sa katapusan ng linggo.
Ayon kay OCTA Research Fellow Professor Guido David, ang average daily number of cases sa NCR nitong nakaraang linggo ay nasa 2,034 o 63% na mababa kumpara sa March peak.
Pero iginiit ni David na dapat mapanatili ang downward trend para hindi na maulit ang surge ng kaso.
Aniya, maaari pa ring bumaligtad ang trend at muling tumaas ang mga kaso kapag nagpabaya ang mga tao.
Ang reproduction number sa Metro Manila ay bumaba sa 0.66, habang ang positivity rate sa rehiyon ay bumaba sa 14%, mula sa average na 23,100 tests kada araw.
Facebook Comments