KASO NG COVID-19 SA PANGASINAN BUMABA NA; PROVINCIAL GOVERNMENT UMAPELA SA IATF NG DAGDAG BAKUNA

LINGAYEN, PANGASINAN – Bumaba na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Pangasinan ayon sa Provincial IATF. Ayon kay PDRRMO Officer Colonel Rhodyn Lunchivar Oro, noong buwan ng Setyembre nakakapagtala ng 249 na kaso kada araw ang probinsiya ngunit ngayon nasa 202 na lamang.

Sa huling datos ng Provincial Health Office, nasa 1, 500 na lamang ang ang nanatiling aktibong kaso ng probinsiya.

Bumaba na rin ang utilization rate ng mga isolation dito na nasa 6. 75% na lamang.


Dahil sa pagbaba ng kaso ng sakit sa Pangasinan, umapela ang Provincial government kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. ng dagdag bakuna.

Naniniwala din si Provincial Health officer Dra. Anna De Guzman na isa sa dahilan ng pagbaba ng kaso sa lalawigan ay ang pagdami ng bilang ng nababakunahan kontra COVID-19.

Posible namang hilingin ng Provincial IATF na ibaba sa MGCQ ang community quarantine status ng Pangasinan kung magtutuloy-tuloy ang pagbaba hanggang sa katapusan ng Oktubre.

Facebook Comments