Kaso ng COVID-19 sa Parañaque City, nasa higit 100 na lamang

Bumaba na sa higit 100 ang naitatalang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Parañaque.

Sa inilabas na datos ng Parañaque City Health Office at Parañaque City Epidemiology and Surveillance Unit, nasa 143 na lamang active cases ng COVID-19 kabilang na dito ang 24 na bagong kaso.

Nasa 739 naman na ang nasawi habang pumalo sa 36,634 ang nakarekober sa virus.


Ang naitala naman kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay umabot sa 37,516.

Nangunguna sa listahan ng barangay sa lungsod ng Parañaque ang Don Bosco na may 31 na kaso sinundan ng San Isidro na na may 27 kaso at BF Homes na nakapagtala ng 16 na kaso.

Bukod tangi naman ang Barangay Don Galo na walang naitatalang kaso ng COVID-19 kaya’t nais ng mga opisyal dito na mapanatili pa ito sa mga susunod na araw.

Facebook Comments