Kaso ng COVID-19 sa Pasay City, nananatili sa higit 30

Umaabot na sa 34 ang naitatalang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Pasay.

Ito’y matapos makapagtala ng 15 bagong kaso.

Karamihan sa mga nagpositibo ay nag-home quarantine na lamang dahil ang ibang wards sa Pasay City General Hospital ay halos okupado na ng mga non-COVID at COVID patient.


Mino-monitor naman sila ng Pasay City Epidemiology and Disease Surveillance Unit kung saan nagpapadala rin ang lokal na pamahalaan ng mga masusustansyang pagkain para sa mabilisan nilang pagrekober.

Umaabot naman sa 29,377 ang bilang ng nakarekober sa COVID-19 at 15 rito ay naitalang new recoveries.

Nasa 592 naman ang naitalang nasawi habang ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ay nasa 30,000.

Kaugnay nito, humihingi ng kooperasyon ang Pasay City Local Government Unit sa mga residente nito upang mapigilan ang pagkalat ng virus at iba pang sakit sa kanilang lungsod.

Facebook Comments