COVID-19 vaccination sa mga barangay, sisimulan sa Parañaque City

Isasagawa na ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa ilang mga barangay sa kanilang lungsod.

Sisimulan ito sa Barangay Moonwalk sa September 14, 2022 sa mismong health center mula alas-8:00 hanggang alas-10:00 ng umaga.

Gagamitin sa nasabing pagbabakuna ang Pfizer at Sinovac vaccines para sa nais magpabakuna ng first at second dose gayundin ang booster shots.


Bukod dito, ikakasa rin ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa Barangay San Antonio sa darating na Biyernes, September 16, 2022.

Mismong sa barangay hall ng San Antonio gaganapin ang pagbabakuna kaya’t inaanyayahan ang lahat ng mga residente na magpaturok na ng bakuna kontra COVID-19.

Ang hakbang ng lokal na pamahalaan ng Parañaque ay upang mabakunahan ang lahat ng kanilang residente upang maging ligtas sa nasabing sakit.

Facebook Comments