Kaso ng COVID-19 sa Pasay, umabot na sa 9

Umaabot na sa siyam ang kaso ng COVID-19 sa Pasay matapos na madagdagan ng dalawa.

Sa inilabas na bagong datos ng Pasay City health Office, Umakyat din ang bilang ng Person Under Monitoring (PUM) sa lungsod na umabot na ngayon sa 97.

Samantala pumalo naman sa 49 ang Persons Under Investigation (PUI) na mga residente ng tatlong Barangay sa Pasay.


Kaugnay nito, umapela ang Pasay LGU sa mga Barangay Chairmen na tumulong sa pagmo-monitor sa mga residente ng kanilang mga nasasakupan at huwag payagan ang mga pagala-galang residente upang maiwasan ang pagkahawa-hawa sa naturang sakit.

Ugaliin ang pagpapatupad ng social distancing kung sila ay pupunta sa mga grocery supermarket, botika at palengke.

Sanayin ang sarili sa paghuhugas ng kamay at paggamit ng alcohol at pagsusuot ng face masks.

Hinimok naman ng Pasay City health office ang mamayan ng lungsod na agad makipag ugnayan sa kanilang tanggapan kung sila ay makaramdam ng sintomas ng COVID 19 tulad ng ubo, sipon at lagnat sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang COVID-19 hotline sa numerong:

09567786524

09089937024

09776907378

09616282934.

Facebook Comments