Kaso ng COVID-19 sa Pasig City, pumalo na sa 33

Umakyat na sa tatlongput-tatlo ang bilang ng kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19), batay sa pinakahuling tala ng City Health Office kahapon.

Mula March 24 na mayroong 26 confirmed cases, kahapon ay nadagdag iton ng pito na pinakabagong kaso ng nasabing virus.

Tatlo na rin ang nasawing pasiyente ng COVID-19, kung saan kahapon isa ang nadagdag sa listahn ng mga pumanaw ng dahil sa nasabing sakit at tatlo naman ang mga gumaling na.


Batay sa pinakabagong tala ng City Health office ng nasabbing syudad, umabot na ng 125 ang Persons Under Investigation (PUI), pero 65 na dito ang na cleared bilang PUI.

94 naman sa Persons Under Monitoring (PUM) at 45 naman na ang nacleared bilang PUMs.

Sa tatlongpung barangay nga Pasig City, labing pito dito may kaso ng COVID-19, kung saan ang Barangay Ugong ang may pinakamaring pasiyente na nagpositibo sa COVID-19.

Ang barangay Manggahan ang may pinakamaring bilang ng PUIs na umabot ng 27 at ang barangay Santa Lucia ang may pinakamaraming bilang ng PUMs na nasa 39.

Facebook Comments