Umakyat na sa 357 ang bilang ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 sa Lungsod ng Pasig, kung saan 60 dito ay nasawi at 101 naman ang mga nakarekober na.
Ito ay batay sa tala ng City Health Office on CHO nito pasado alas-8:00 kagabi, kung saan 10 ang naidagdag sa kanilang listahan ng pasyenteng postibo sa virus.
Ang nasabing 10, ay mula sa mga Barangay ng Bagong Ilog, Buting, Pinagbuhatan, Pineda, Rosario, at Santa Lucia na meron tig-isang bagong COVID-19 positive.
May tatlong bagong kaso naman sa Barangay Maybunga.
Ang Barangay San Jose lang ang tanging Barangay ng Pasig na wala pang kaso ng Coronavirus.
Nasa 214 ang bilang ng probable case at 49 naman ang bilang ng suspected case sa lungsod.
Ang Pasig City ay nasa 6th rank sa may pinakamaraming bilang ng confirmed cases ng COVID-19 sa lahat ng mga lungsod sa Metro Manila.