Kaso ng COVID-19 sa Pateros bumaba ng 40% dahil sa granular lockdown

Malaki ang naitulong ng pagpapatupad ng granular lockdown sa Pateros.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Pateros Mayor Miguel Ponce na 40% ang ibinaba ng COVID-19 cases sa kanilang munisipalidad.

Sa katunayan, bago mag granular lockdown ay nasa 800 ang COVID-19 cases sa Pateros, pero makalipas ang 2 linggo ay bumaba ito sa higit 400 cases na lamang.


Paliwanag nito, mabisa at epektibo ang stratehiya ngayon ng gobyerno kung saan ang lugar na mayroon lamang kaso ang siyang ilo-lockdown habang ang iba pang lugar na COVID free ay hahayaang makapaghanap buhay ang mga residente.

Sa ngayon ay nasa 454 ang active cases sa Pateros.

Facebook Comments