Nagpapatuloy ang mababang kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP) matapos ang naranasang surge noong January.
Batay sa datos ng PNP Health Service ngayong araw, nakapagtala lamang ng isang bagong kaso dahilan para umabot sa 48,812 ang total ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa pulisya.
Habang walang bagong gumaling at bagong nasawi kaya’t nananatili sa 48,655 ang nakarekober at 128 ang namatay.
Bahagyang tumaas naman sa 29 ang active cases ng COVID-19 mula sa naitalang 28 kahapon.
Sa ngayon, umabot na sa 220,182 PNP personnel o 97.94 percent ang fully vaccinated kung saan 120,878 o 54.90 percent ang nabigyan ng booster shot kontra COVID-19.
Facebook Comments