Pag-i-inspeksyon sa mga cellphone ng mga pulis, isinasagawa sa harap ng pagkakasangkot ng ilang pulis sa online sabong

May direktiba na si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Dionardo Carlos sa kanyang mga field commander na magsagawa ng inspeksyon sa cellphone ng mga pulis na naka-duty.

Ito ay para matiyak na walang mga pulis ang naglalaro ng online sabong habang nagtatrabaho.

Iginiit ng PNP chief na mahigpit ang kanyang utos sa mga pulis na huwag malulong sa sugal.


Babala ni Carlos, mahaharap sa parusa ang sinumang pulis na mahuling tumataya sa online sabong.

Tiniyak din ng PNP chief na sa gagawing inspeksyon, walang mangyayaring paglabag sa privacy ng mga pulis.

Facebook Comments