Kaso ng COVID-19 sa Quezon City, patuloy na bumababa

Iniulat ng Quezon City government na patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga nagpapagaling mula sa mga dinapuan ng COVID-19 virus sa lungsod.

Batay sa record ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU), bumaba na sa 218 ang kumpirmadong aktibo sa kaso.

Ang nasabing bilang ay nagmula sa 180,410 nang kabuuang bilang ng nagpositibo sa lungsod.


Sinabi pa sa ulat na sa ngayon ay nasa mahigit 178,567 ang bilang ng mga nakarekober mula sa COVID-19 sa Quezon City.

Habang nananatili sa 1,625 ang bilang ng mga nasawi mula sa naturang virus.

Ayon sa lokal na pamahalaan, posibleng magbago pa ang bilang ng mga kaso dahil sa patuloy na isinasagawang community-based testing sa lungsod.

Facebook Comments