Tuloy-tuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Quezon.
Ayon sa datos ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit, nasa 764 na lamang ang kumpirmadong aktibo sa kaso o ‘yung patuloy na nagpapagaling.
Ang nasabing bilang ay mula sa 259,671 ng kabuuang nagpositibo sa lungsod.
Dahil dito’y umabot na sa 99.06% o 257,238 ang gumaling mula sa COVID-19 sa Quezon City.
Habang nasa 1,669 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod dahil sa naturang virus.
Ayon sa QC local government, dumadaan sa validation ng CESU, health center at barangay ang datos na nagmula sa Department of Health kung kaya’t posibleng magbago pa ang bilang ng mga kaso sa QC.
Facebook Comments