DFA, tiniyak ang mabilisang paglilikas sa mga Pinoy sa Ukraine

Prayoridad ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mailikas sa pinakamalapit na ligtas na lugar ang mga Pilipino sa Ukraine.

Sa harap ito ng pagkakapasok na ng tropa ng Russia sa Ukraine.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., gagawin nila ang paglilikas sa lalong madaling panahon.


Sinabi ni Locsin na minamadali na rin ng DFA ang repatriation efforts sa mga Pinoy sa Ukraine na nais nang umuwi ng Pilipinas.

Una nang tumangging magpalikas ang ilang Pinoy sa Ukraine dahil ang ilan sa kanila ay isinama ng employer palabas ng nasabing bansa.

Ang ilan naman ay piniling maiwan sa Ukraine matapos na tiyakin sa kanila ng kanilang employer ang kanilang kaligtasan bukod sa tinaasan sila ng sahod.

Facebook Comments