Patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Quezon.
Ito ay makaraang umabot na lamang sa mahigit 404 ang kumpirmadong aktibo sa kaso.
Ang nasabing bilang ay mula sa 260,358 ng kabuuang bilang ng nagpositibo sa lungsod.
Ayon sa datos ng QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit o CESU, mula sa 260,259 na mga gumaling nadagdagan na lang ito ng 1,981.
Dahil dito’y umabot na sa 258, 278 ang lahat ng naka-recover sa COVID-19 sa QC.
Isa naman ang naidagdag sa naitalang nasawi kung kaya’t nasa 1,676 na ang bilang ng binawian ng buhay sa lungsod mula sa naturang virus.
Facebook Comments