Isa sa mga suspek sa pananalisi sa ina ni Nadia Montenegro, hawak na ng QCPD

Hawak na ng Quezon City Police District (QCPD) ang isa sa mga suspek sa pagnanakaw sa pera ng ina ng actress na si Nadia Montenegro sa isang shopping center sa Novaliches, Quezon City

Boluntaryong sumuko sa QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang isa sa mga suspek na si Romeo Miranda.

Ayon kay PLT. Edwin Sumale, Hepe ng CIDU-GAIS, mga miyembro ng salisi gang ang nambiktima sa ina ni Montenegro.


Ani Sumale, si Miranda ang nagsilbing driver ng grupo na sumalisi sa ina ng actress.

Sa ngayon, pito katao na kasamahan ni Miranda ang pinaghahanap ng QCPD.

Facebook Comments