Cauayan City, Isabela- Pumalo sa 939 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong lambak ng Cagayan.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health Region 02, nasa 332 ang active cases sa rehiyon dos, 597 ang gumaling at sampu (10) ang naitalang nasawi.
Mayroon nang kabuuang kaso ngayon ang Probinsya ng Isabela na 423 at siyang may pinakamaraming naitalang kaso sa Cagayan Valley na sinusundan ng lalawigan ng Cagayan na may 290 kaso.
Nananatili pa rin sa 36 ang total cases ng Santiago City maging sa probinsya ng Quirino na may apat (4).
Nasa 186 naman ang naitalang kaso ng COVID-19 ang lalawigan ng Nueva Vizcaya, 28 rito ang active cases at may 43 na recoveries.
Hanggang ngayon ay nananatili pa rin COVID-19 Free ang probinsya ng Batanes.