Sa isinagawang town hall meeting, buwan ng Enero 2022 nang makapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19 sa rehiyon ngunit matatandaang naitala pa rin ang peak cases nito lamang September 13, 2021 kung saan mayroong 2,074 na bilang ng nagpositibo sa sakit.
Sa nakalipas na Linggo, naitala ang 3.6 reproduction number ngunit bahagyang bumaba ito sa ngayon sa 1.96 reproduction number, ibig sabihin ang isang indibidwal na tinamaan ng COVID-19 ay maaari makapagtransmit o makapanghawa hanggang sa dalawang katao.
Sa pinakahuling datos nitong Enero 23, nanguna pa rin ang Tuguegarao City sa may mataas na bilang ng tinamaan ng sakit na umabot sa 1,445, sunod ang Santiago City na mayroong 594; Bayombong (259), Solana, Cagayan na may 201 at panghuli ang Cauayan City na nakapagtala ng 188.
Patuloy naman ang paghimok ng mga awtoridad na laging sumunod sa ipinapatupad na health protocols.