SUNDALO, NANUTOK NG BARIL SA BAYAMBANG, PANGASINAN, ARESTADO!

89
Huli ang isang sundalo sa panunutok ng baril sa dalawang sibilyan sa Brgy Zone V, Bayambang, Pangasinan.
Nakilala ang suspek na si Private First Class Warlito Jimenez, 24 anyos, AFP member na nakadestino sa 81st Infantry Battalion, Brgy Bugbuga, Sta Cruz, Ilocos Sur habang ang mga biktima ay sina Patrick Macaraeg, 25 anyos at Jeric Perez , 30 anyos.
Ayon sa imbestigasyon ng Bayambang PS, dahil umano sa pagsisigaw ng mga nabanggit na biktima habang nakasakay sa motor ay nilapitan sila ng isa pang naka motor na si Jimenez kasama ang kasintahan nito at doon na naganap ang panunutok ng baril sa kanila.

Sa tulong ng mga bystanders ay nahuli ang salarin.
Nakumpiska mula kay Jimenez ang issued firearm nito na isang kalibre 45 at siyam na bala.
Kakasuhan si Jimenez ng paglabag sa RA 10591 in relation to COMELEC Resolution no. 10741 kung saan matapos ang ilang araw ay naipila na ang kaso nito sa Office of the Provincial Prosecutor.
Dahil sa ipinalabas na resolusyon ng opisina ng prosecutor, pansamantala muna siyang nakalaya habang isinasailalim pa sa preliminary investigation ang reklamong isinampa sa kanya. | ifmnews
Facebook Comments