Cauayan City, Isabela- Sumipa na sa 68,738 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa buong rehiyon dos, batay ito sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) region 2.
Mula sa naitalang total COVID-19 cases sa rehiyon, 6, 383 rito ang aktibong kaso; 60,463 naman ang mga gumaling na at 1,869 ang mga namatay.
Ayon din sa datos ng DOH 2, karamihan sa mga namatay ay may hypertension, diabetes, heart disease, renal disease, asthma, cancer at tuberculosis.
Karamihan naman sa mga aktibong kaso ay nasa “mild” condition na may 58%, 37% ang “asymptomatic”, 3% ang nasa “moderate”, 0.5% ang “severe” at 0.2% ang nasa “critical” na kundisyon.
Kaugnay nito, nasa 42% sa mga aktibong kaso ang nasa mga isolation facility, 39% ang naka-home quarantine at 17% ang mga nasa ospital.