Kaso ng COVID-19 sa San Juan City, nadagdagan naman ng 9

Pumalo na sa 57 na kaso ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) sa Lungsod ng San Juan City, batay huling tala ng City health Office noong March 25 ng alas-7:00 ng gabi.

Umabot na rin ng 102 ang Persons Under Investigation (PUI) at nasa 222 na ang Person Under Monitoring (PUM).

Nasa 8 na rin ang nasawi.


Ang Baranagay Greenhills pa rin ng nasabing lungsod ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 kung saan nasa 18 ito.

Pumangalawa naman ang West Crame ba mayroong 12 na pasyente ng infected ng nasabing virus.

May tig-tatlong kaso naman sa Barangay Addition Hills, Barangay Balong-Bato, Barangay Little Baguio, at Barangay Sta. Lucia.

Ang Barangay Corazon De Jesus, Maytunas, Kabayanan, Pasadena, Salapan, at St. Jospeh ay mayroon tig dalawang kaso ng COVID-19.

Mayroon tig-isang pasyente na positibo ng nasabing virus ang Barangay Batis, Rivera, at San Perfecto.

Facebook Comments