Ikinalulungkot ni San Juan City Mayor Francisco Zamora ang patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 sa kanyang nasasakupan.
Batay sa huling tala pasado alas-9:00 kagabi, umabot na ng 99 ang bilang ng kaso ng COVID-19 ayon sa City Health Office ng nasabing lungsod.
Nadagdagan din ng dalawa pa ang kanilang listahan ng mga nasawi, kung saan umabot na sa 14 na mga pasyente ang binawian ng buhay ng dahil sa nasabing virus.
Pero ikinatuwa naman niya na may dalawang pasyente ng COVID-19 sa kanyang Lungsod ang gumaling na.
Anya, ito ang pinaka-unang ulat na may gumaling sa kanyang Lungsod na infected ng nasabing virus.
Tatlong Barangay na sa nasabing Lungsod ang mayroon mahigit sampo na positibo sa COVID-19
Una na rito ang Barangay Greenhills na may 23 COVID positive, pumangalawa ang West Crame na may 13 at pumangatlo naman ang Barangay Sta. Lucia na umabot na sa 12.