Kaso ng COVID-19 sa Taguig, bahagyang tumaas

Bahagyang tumaas ang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig.

Mula sa 298 na kaso, umabot na ito sa ngayon sa 325 ang active cases kung saan sinisiguro ng Taguig City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CEDSU) na patuloy silang naka-monitor sa mga pasyente upang hindi lumaganap ang sakit.

Pinag-iingat din ng lokal na pamahalaan ng Taguig ang ibang residente nito.


Pumalo naman sa 63,544 ang nakarekober habang walang nadagdag sa bilang ng mga nasawi kaya nananatili ang bilang nito sa 464.

Nakapagsagawa na rin ng 251,681 na libreng swab tests sa pamamagitan ng SMART testing program kasama na rito ang drive-thru testing, Park N’ Test at iba pang pagsusuri na isinagawa mula sa mga health center at testing ng CEDSU.

Nananawagan ng kooperasyon ang Taguig LGU sa lahat ng residente upang mapigilan ang paglaganap ng sakit kasabay ng paghihimok sa iba na magpabakuna na.

Facebook Comments