Pagkawala ng mga sabungero, iimbestigahan ng Senado

Ikinakasa na ni Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Senator Ronald
“Bato” dela Rosa ang pagdinig sa susunod na linggo ukol sa pagkawala ng mahigit 30 sabungero na umano’y may kaugnayan sa operasyon ng online sabong.

Sinabi ni Sen. Dela Rosa na kahit na naka-adjourn ang sesyon ay maaari siyang magpatawag ng pagdinig bilang bahagi ng oversight function ng kanyang komite sa ilang tanggapan ng pamahalaan.

Bilang paghahanda sa pagdinig ay kumakalap na ang komite ng mga impormasyon at news reports ukol dito.


Nakakaalarma na para kay Sen. Dela Rosa kung paanong sinisira ng online sabong ang buhay ng ilan nating mga kababayan na adik na sa naturang sugal online.

Diin pa ni Dela Rosa, may epekto rin ito sa ating peace and order dahil nakakagawa na ng krimen ang mga nalulubog sa utang dahil sa online sabong.

Facebook Comments