Kaso ng COVID-19 sa Taguig, nadagdagan pa ng 7

Pumalo sa na 42 ang bilang ng kaso na positibo sa Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) sa Lungsod ng Taguig.

Batay sa huling tala ng City Health office ng nasabing lungsod, kahapon, pito pa ang naidagdag sa kanilang listahan na covid positive.

Tumaas naman ang bilang ng Persons Under Monitoring (PUM) sa umabot na ito sa 178.


Habagang bumaba naman ang bilang ng Persons Under Investigation (PUI) na mula sa 154 na bilang ng PUI, bumaba ito sa 152.

Nananatiling sa dalawa ang nasawi at dalawa naman ang mga gumaling na sa nasabing lungsod kaugnay sa COVID-19

Ayon kay Taguig Mayor Lino Cayetano na ang mga bagong kaso ng nasabing virus ay mula sa Barangay Ususan, Lower Bicutan, Sta. Ana, Pinagsama, Western Bicutan at Fort Bonifacio.

Facebook Comments