Kaso ng COVID-19 sa Taguig, pumalo na sa mahigit 11,000

Umakyat na sa 11,012 ang kabuoang bilang ngayon ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig, matapos itong madagdagan ng 17 bagong kaso.

Mula sa nasabing bilang, 10,791 ang gumaling mula sa naturang sakit matapos magkaroon ng 25 new recoveries.

Nananatili naman sa 178 ang kabuoang bilang mga nasawi sa lungsod na dulot ng virus.


Nasa 43 ay kasalukuyang bilang ng active cases sa Taguig na patuloy na nagpapagaling sa mga quarantine facility nito.

Batay sa datos City Epidemiology Diseases and Surveillance Unit (CEDSU), mataas pa rin ang recovery rate ng lungsod kung saan nasa 97.99% ito, kumpara sa 1.62% na case fatality rate o porsyento ng nasasawi sa lungsod na sanhi ng COVID-19.

Facebook Comments